ni Nora V. Calderon

Nagugulat ang manager ni Bea Alonzo, and even mga taga-GMA Network sa balitang may offer daw sila for Bea na pumirma ng contract sa GMA at maging isang Kapuso.  Wala raw katotohanan iyon, at sa ngayon ay committed lamang si Bea para sa movie na gagawin nila ni Asia’s Multimedia Star Alden Richards, ang A Moment To Remember, na co-produced ng Viva Films, GMA Pictures at APT Entertainment.

Tsika at Intriga

Ethan David sa 'grooming' issue: 'I was the 13 yrs old being referred to!'

Ayon sa manager ni Bea, hindi sila magku-commit pa ng ibang projects dahil three movies na ang dapat gawin this year ng actress, pero nasa preparations pa lamang lahat dahil nga sa muling paghihigpit sa health protocols simula nang maging ECQ muli ang NCR at apat pang karatig na probinsya. Bukod sa first movie na gagawin ni Bea, gagawa rin sila ng comeback movie ng paborito niyang leading man, si John Lloyd Cruz, ang No Goodbyes for Star Cinema at isa pang movie na ididirek ni Erik Matti sa Reality Entertainment.