Ni NITZ MIRALLES

INULAN ng congratulatory messages ang newly engaged couple na sina Tom Rodriguez at Carla Abellana. Pareho ring naka-post sa Instagram ang photo nila na suot ni Carla ang engagement ring habang hawak ni Tom ang kamay niya.

Ellen Adarna, nag-face reveal ng baby girl nila ni Derek Ramsay

Maiksi ang caption ni Carla sa photo at sabi lang, “A million times, YES” at sinundan ng emoji ng ring.

Mas mahaba ang caption ni Tom gamit ang line from Pablo Neruda na “I love you without knowing how, or when, or from where. I love you simply, without problems or pride: I love you in this way because I do not know any other way of loving but this...”

Masaya ang mga taga-showbiz sa balitang ito at ang mas nakakatuwa pa, gusto na ng netizens na magpakasal sina Tom at Carla at magbuntis agad si Carla dahil gusto na nilang makita ang magiging mga anak ng dalawa.

Samantala, magiging busy uli si Carla dahil sa bagong project sa GMA-7 na To Have and To Hold kasama sina Derek Ramsay, Valeen Montengro, at Max Collins.

Congrats Tom and Carla!