ni Marivic Awitan
Ang taong nanindigan at namuno para sa Philippine sports sa panahon ng kagipitan ay nakatakdang parangalan ng Philippine Sportswriters Association (PSA) sa gagawin nilang pagkilala sa mga top performers at achievers sa sports noong nakaraang taon.
Nakatakdang tanggapin ni Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham Tolentino ang President’s Award sa idaraos na SMC-PSA Annual Awards Night sa TV5 Media Center sa Marso 27.
Umaksiyon sa kanyang kapasidad bilang kinatawan ng ika-8 distrito ng Cavite sa Kongreso, isiningit ni Tolentino ang P180-million item sa Bayanihan to Recover as One Act 2 para sa kapakanan ng mga atleta at coaches na nasa national team.
Sa ilalim ng House of Representative version ng Republic Act 11494, nagsimulang makatanggap ng buwanang allowances ang mga nasa national team simula noong Nobyembre (2020)matapos mabawasan ng kalahati ang kanilang allowance nang gamitin ng gobyerno ang pondo sa kanilang anti- Covid-19 pandemic campaign.
Nang naipasa ang Bayanihan Act 2, natanggap na rin ng mga national team members ng retroactive ang nabawas na kalahati mula sa kanilang mga allowances mula noong Hulyo bukod pa sa P5,000 pandemic assistance sa kanila maging sa mga national coaches.
“Even before the victorious Philippine campaign in the 30th Southeast Asian Games was over, he (Tolentino) proceeded to lead the way for Philippine sports through uncertainty and darkness wrought upon by an invisible and merciless adversity in 2020,” pahayag ni PSA president at Manila Bulletin sports editor Tito Talao.
“If for this alone, the Philippine Sportswriters Association President’s Award is most sincerely presented to Rep. Abraham Tolentino, president of the Philippine Olympic Committee.”
Isa si Tolentino sa mga piling special awardees ng oldest media organization sa bansa na inihahandog ng Philippine Sports Commission at Cignal TV, katulong ang 1 Pacman Partylist, Chooks-to-Go, at Rain or Shine