Ni CHITO CHAVEZ

Nagpahayag ng matinding pagtutol ang League of Provinces of the Philippines (LPP) sa panukalang ilipat ang mga bakuna ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) mula sa mga lugar na may mababang bilang ng mga kaso sa mga lugar na itinuturing na mga hotspot para sa virus.

Sinabi ng LPP president Marinduque Governor Presbitero Velasco Jr. sa ABS-CBN News na ang LPP ay hindi pa naglalabas ng opisyal na posisyon ngunit binigyang diin na ang ideya ng redeployment ay hindi maganda dahil ang mga local government unit (LGUs) ay lubhang nangangailangan din ng mga bakuna.

Ito ay naging reaksiyon sa pahayag ni Health Secretary Francisco Duque III na nagsabing babawiin at ililipat ang iba pang mga bakunang inilaan sa mga lalawigan at ibabalik sa Metro Manila na itinuturing na sentro ng impeksyon sa virus.

Internasyonal

Higit 200 pasahero sa nag-crash na Air India plane, patay; isa, nakaligtas!

Binigyang diin niya na ang paglipat ng supply ng bakuna sa COVID-19 sa iba pang mga lugar ay dapat na idaan sa konsultasyon, sinasabi na ang mga LGU na maaaring wala pang karagdagang paggamit sa mga available doses sa ngayon ay dapat tanungin sa kanilang kahandaang ipahiram ang mga dosis. Sa karagdagang paliwanag, binanggit ni Velasco ang magkakaibang sitwasyon sa bawat lokalidad na sinasabi na ang ilang mga LGU ay maaaring magkaroon pa rin ng supply ng COVID-19 jabs ngunit maaaring nasa proseso pa rin ng pagsasagawa ng kanilang mga programa sa pagbabakuna na naglalayong kumbinsihin ang mas kwalipikadong mga benepisyaryo na magpabakuna. Idinagdag pa niya na maraming mga LGUs ay may kaunting supply ng mga bakuna na idinagdag na mas mabuti para sa gobyerno na tanungin ang mga lokalidad na may labis na COVID-19 doses kung malugod nila itong ibibigay.

Noong Marso 19, nagpahayag si Duque tungkol sa redeployment ng mga bakuna matapos na banatan ni Marikina Mayor Marcy Teodoro ang gobyerno dahil sa hindi pagtuon sa kung saan napakarami ang impeksyon sa coronavirus.

Sinabi ni Duque na ang mga residente ng National Capital Region (NCR), Cordillera Administrative Region (CAR), Calabarzon, Gitnang Luzon at Gitnang Kabisayaan ay maaaring kabilang sa mga maaaring tumanggap ng mga bakuna dahil sa kanilang mataas na bilang ng kaso ng COVID-19. Ngunit nilinaw ni Duque na ang mga bakuna ay hihiramin lamang mula sa mga lalawigan na binibigyang diin na hindi mawawala ang kanilang mga supply.

Bilang reaksiyon sa pagtutol ng LPP, sinabi ni Duque na susubukan niyang kumbinsihin sila at ipaliwanag na ang Metro Manila ay talagang tinamaan ng pandemya na halos 50 porsyento ng mga kaso ay nagmumula sa lugar na ito.

Bukod sa LPP, sinabi ni Duque na tatawagin niya ang Union of Local Authorities of the Philippines (ULAP), ang umbrella organization mg lahat ng LGUs, upang sila ay kumbinsihin na sumang-ayon sa panukala.