Ni NITZ MIRALLES
Sa comment ni Ruffa Gutierrez na “Ayyy the cat is out of the bag” sa post ni Maris Racal sa Instagram na “hi rico. Happy birthday” para sa singer-composer na si Rico Blanco, ay para na raw niyang kinumpirma na may romantic relationship nga ang dalawa.
Sinagot ni Rico ng, “hahaha love you” ang birthday greetings ni Maris at dito na nagsimula ang usap-usapan na may relasyon nga ang dalawa.
Hindi kami sure sa edad ni Maris, pero nasa early 20s daw ito, at si Rico ay 48 years old na. Sabi naman ng netizens, pagdating sa pag-ibig, walang edad-edad. Saka, hindi pa mukhang 48 si Rico.
Ang natatandaan namin, nagkaroon ng collaboration sina Rico at Maris, kaya sila nagkakilala at doon na nagsimula ang pinag-uusapang relasyon daw ng dalawa. Parehong single sina Rico at Maris at hangga’t masaya siya at walang inaagrabyadong tao, walang may karapatan na makialam sa kanilang relasyon.