ni Fer Taboy

Nabunyag ang pagkamatay ng isang opisyal umano ng New People’s Army (NPA) matapos mahukay ang bangkay nito na inilibing ng mga kasama sa San Guilermo, Isabela.

Sa pagbabahagi ni Maj. Jekyll Dulawan, public affairs office chief ng 5th Infantry Division, ng Philippine Army, nagsasagawa umano ng hot pursuit operation ang mga sundalo sa mga tumatakas na miyembro ng NPA nang matunton nila ang bagong nakalibing sa Bgy.Dingading, San Guillermo noong Marso I5 (Lunes) ng umaga.

Kinilala ng mga naunang sumukong NPA ang bangkay na nahukay na si Alyas Ka Yuni, commander ng Regional Operations Command at pinuno rin ng Regional Centro De Gravidad.

Eleksyon

Vic Rodriguez, pamumunuan ang 'tunay na oposisyon' sa senado

Si Ka Yuni ay galing sa Mindanao at ipinadala umano ng kanilang grupo sa Region 2 upang buhayin ang grupo at buuin ang front committee sa Nueva Vizcaya-Quirino