ni Marivic Awitan

BAGONG mukha ang Manila Chooks TM sa pagsabak sa 2021 FIBA 3X3 World Tour Doha Masters sa Marso 26-27.

Iwawagayway ang bandila ng Pilipinas sa maximum level (level 11) tournament nina Chico Lanete, Mac Tallo, Zachy Huang, at Dennis Santos.

Ang collegiate champion coach na si Aldin Ayo ang titimon sa kampanya ng bansa.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“We are starting pero I believe that we are starting on the right foot. We established a new culture and new approach. Hopefully, mag-respond mga players. For us coaches, we are doing our best also and we are grateful sa support na binibigay ng Chooks-to-Go,” pahayag ni Ayo.

Kailangang malagpasan ng Manila Chooks TM ang qualifying draw laban sa host Doha at Austria’s Graz para makausad sa main draw kung saan seeded na ang Liman of Serbia, Riga of Latvia, Ub of Serbia, NY Harlem of USA, Princeton of USA, Novi Sad of Serbia, Amsterdam Talent&Pro of the Netherlands, Piran of Slovenia, Šakiai Gulbelė of Lithuania, Edmonton of Canada, at Lusail of Qatar.

Ayon kay Chooks-to- Go president Mascariñas, nakikipag-ugnayan na sila sa Inter-Agency Task Force (IATF) upang mabigyan ng exception ang koponan mula sa bagong regulasyon na nagbabawal para sa mga Pinoy na hindi OFW na makabalik sa bansa