Ni NORA V. CALDERON

Masaya at na-excite ang nagbabalik-Kapuso at seasoned actor na si Albert Martinez nang magkaroon na siya ng virtual script reading, kasama ang bubuo sa powerhouse cast ng up-coming GMAAfternoon Prime series nila na Las Hermanas.

Tsika at Intriga

Dani Barretto, nang-inis pa lalo sa bashers dahil sa 'garlic tuyo'

Ayon sa manager niyang si Ms. Shirley Kuan, natuwa si Albert nang makausap na niya through Zoom for the first time ang mga makakatrabaho niyang mahuhusay na Kapuso stars tulad nina Yasmien Kurdi, Thea Tolentino, Faith da Silva, at Jason Abalos.

Pero mukhang may iba pang bubuo sa cast na sorpresa pa kung sinu-sino kaya ang mga netizens ay nag-aabang na sa kanila at inaabangan na rin nila ang magiging kuwento ng Las Hermanas, na ididirek ng mahusay na director na si Monti Parungao.

Year 1980 nang magsimula si Albert sa GMANetwork at pagkalipas ng ilang taon, lumipat siya sa ABS-CBN. Ngayon, ay muling nagbabalik si Albert sa Kapuso Network. Dalawa agad ang projects na gagawin niya rito, pero mauuna ang Las Hermanas.

Ipinaabot din ni Albert ang pasasalamat niya sa GMANetwork sa interview niya sa Chika Minute ng 24 Oras last March 17.