ni Danny Estacio

QUEZON – Napatay ang isang miyembro ng New People’s Army (NPA) nang makasagupa ng grupo nito ang tropa ng gobyerno sa Mauban, nitong Biyernes ng hapon.

Sa report ng militar, kinikilala pa rin ang nasabing rebelde na may mga tama ng bala sa katawan.

Naiulat na nagpapatrulya lamang ang mga tauhan ng 59th Infantry Battalion (IB) ng Philippine Army nang mamataan ang grupo ng mga rebeldeng kaanib ng Main Regional Guerilla Unit (MRGU) sa Bgy. Lual Barrio hanggang sa magkaroon ng sagupaan, dakong 4:00 ng hapon.

Probinsya

Student-athlete, pumanaw matapos ang boxing match

Tumakas ang mga rebelde matapos ang 12 minutong engkuwentro at iniwan ang napatay nilang kasamahan

Wala namang naiulat na nasugatan sa panig ng militar, ayon sa ulat.

Narekober sa lugar ng sagupaan ang isang M16 Armalite rifle, isang granada at siyam na basyo ng Cal. 45 pistol.