ni Marivic Awitan

SINIMULAN ni Filipina karateka Junna Tsukii ang final stretch ng kanyang kampanya upang magkamit ng Tokyo Olympics berth sa kanyang pagsabak sa Karate 1 Premier League sa Istanbul, Turkey.

Sa kabila ng kinakaharap na matinding hamon sa sasabakang mataas na lebel ng kompetisyon, nananatiling optimistiko ang Filipina- Japanese athlete sa kanyang tsansa.

“They are very strong, but the players I practice with in the training camp in Serbia are also strong. I’m always fighting with the top players and I will just play the way I usually do,” ani Tsukii.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Ang Karate 1 Premiere League ang unang international event ng 2021 season matapos mapuwersa ang World Karate Federation (WKF) na kanselahin ang mga international competitions at Olympic qualifying events mula noong unang quarter ng 2020.

Maglalaban - laban ang mga karatekas sa Istanbul upang magkamit ng mga ranking points na makapagbibigay sa kanila ng automatic Olympic slots.

Kasalukuyang No. 10 sa world rankings sa female kumite -50kg division si Tsuki kung kaya napakabigat ng kanyang laban na haharapin para sa hangad na makapasok sa Olympic Games.

Ilan sa mga posible nyang makatunggali at kailangang talunin sina dating world champion at kasalukuyang world No. 1 na si Serap Ozcelit Arapoglu ng host Turkey.

Nariyan din sina world No. 3 at dating European Games champion Bettina Plank ngAustria, world No. 4 at 2018 World Karate Championships bronze medal winner Sara Bahmanyar ng Iran, world No. 5 Radwa Sayed ng Egypt, world No. 7 Shara Hubrich ng Germany at Bakhriniso Babaeva ng Uzbekistan na kasalo ni Tsukii sa 10th spot ng world rankings.