Ni NORA V. CALDERON

Masaya ang mga fans ni Alden Richards, nang makita siyang nasa Eat Bulaga nitong March 11, matapos ng mahigit three weeks na hindi siya nag-host ng show.

Wala pa kasing balita kung kailan matutuloy ang lock-in shooting nila ni Bea Alonzo ng A Moment To Remember, ang Pinoy adaptation ng Korean movie na ipu-produce ng Viva Films, GMAPictures at APTEntertainment.

May tentative schedule na sana ito ng lock-in shoot ng March 14, Pero mas gusto ng producers na maipalabas ito sa mga sinehan, pero paano, hindi na naman pinayagan ang theater owners na magbukas ng kanilang mga cinemas, lalo ngayon, na mas mataas pa ang Covid-19 cases kaysa noong 2020 na nagsimula rin ang pandemic ng Marso.

Tsika at Intriga

Pinanindigan: Gene Padilla, nagpa-tattoo ng 'Mr. Uninvited'

Kaya tuloy muna si Alden sa pagsu-shoot ng mga bagong TVCommercials at naghahanda na rin sa gagawin niyang teleserye sa GMA-7 na naka-schedule na raw magsimula ng lock-in taping next month, April, dahil ang airing nito ay sa July, 2021.

Ang huling ginawang teleserye ni Alden ay ang The Gift noong 2019, na nagbigay sa kanya ng awards sa television TV in 2020.