ni Genalyn Kabiling
Hindi perpekto ang pamahalaan kaugnay nang pagpapatupad ng vaccination protocols matapos maunang magpabakuna ang ilang Non-health workers.
Ayon kay Pesidential spokesman Harry Roque, natuto na sila sa insidente ng naunang pagpapabakuna ng dalawang opisyal ng pamahalaan kaysa sa health workers sa bansa.
Sa ilalim aniya ng polisiya ng pamahalaan, mauunang matuturukan ng bakuna ang mga health worker upang mapalakas ang kanilang proteksyon laban sa sakit.
Ang tinutukoy ni Roque ay sina
Interior and Local Government Undersecretary
Jonathan Malaya at Metro Manila Development Authority (MMDA) chief of staff Michael Salalima na nagpaturok ng CoronaVac sa Pasay City, nitong Martes.