Ni MARY ANN SANTIAGO

Ikinaalarma na ni Manila Mayor Isko Moreno ang pagdami ng naitatalang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa rehiyon, kung saan nakapagtala sila ng 196 katao na nagpositibo sa sakit sa loob lamang ng isang araw.

Ito aniya ang kauna-unahang pagkakataon na nangyari ito sa lungsod.

Ikinalungkot din ni Moreno na ang kasalukuyang occupancy rate ng six city-run hospitals na may 300 bed capacity sa kasalukuyan nasa 108 na o katumbas ng total na 36 porsiyento.

Aniya, ang occupancy rate sa mga quarantine facility ay nasa all-time high na 61 porsiyento naman o 225 na mga pasyente ang umuokupa ng 371 bed capacity.

National

NCSC, ipinanawagan pagtanggap sa Senior Citizens ID bilang ‘valid proof’ sa lahat ng transaksyon

Aniya, ang napakataas na bilang na 196 na nagpositibo sa COVID-19 sa loob lamang ng isang araw ay kinumpirma ng mismong RT-PCR testing ng lungsod na ibinibigay ng libre sa lahat ng nais magpa-swab.