ni Marivic Awitan

OPISYAL ng lalahok ang mga koponan ng PLDT at Cignal sa Premier Volleyball League (PVL).

Dahil dito, umabot na sa 10 ang koponan na nakatakdang magsagupa sa pagbabalik aksiyon ng liga sa susunod na buwan.

Ang PLDT Home Fibr Power Hitters ay naunang naglaro sa V-League noong 2015 bilang Ultra Fast Hitters, kung saan nagkampeon sila sa Open at Reinforced Conference.

PBA, hinihingi panig ni Amores; makabalik pa kaya sa liga?

“Labing-apat na taon ako sa V-League. Umpisa pa lang niyan, kasama ko na sina Sir Ricky [Palou] kaya sobrang nakakatuwa na makakabalik na kami. Sana matuloy namin yung magandang legacy ng PLDT sa PVL,” pahayag ni coach Roger Gorayeb, nagmamay-ari ng walong championships sa V-League.

Nakatakdang simulan ang unang conference ng PVL bilang professional league sa Abril 10.

Ang iba pang koponang kasali sa liga ay ang Creamline, PetroGazz, BaliPure, Choco Mucho, Chef’s Classic, Perlas at bagong team na Peak Form.

Samantala, opisyal na ring inanunsiyo ng Cignal HD Spikers ang pagsali nila sa PVL sa pamamagitan ng kanilang official social media page.

“We are excited to announce that the Cignal HD Spikers are officially joining the Premier Volleyball League,” nakasaad sa kanilang post.

Pangungunahan ang koponan ng beteranang hitter na si Rachel Anne Daquis na nagbabalik sa PVL pagkaraan ng anim na taon.