nina Argyll Cyrus Geducos at Jun Fabon
Nakatakdang isailalim sa 31 na araw na general community quarantine (GCQ) ang Metro Manila at siyam pang na lugar sa bansa habang ang ibang lugar ay ilalagay sa modified general community quarantine (MGCQ).
Ito ang inanunsyo ni Presidential spokesman Harry Roque dahil matatapos na ang umiiral na quarantine qualifications ngayong araw, Pebrero 28.
Bukod sa National Capital Region (NCR), nasa GCQ pa rin ang Apayao, Baguio City, Kalinga, Mountain Province, Batangas,Tacloban City, Iligan City, Davao City at Lanao del Sur.
Mananatili aniya ang GCQ sa mga nabanggit na lugar mula Marso 1-31.
Nauna nang iginiit ng National Economic Development Authority na ilagay na sa MGCQ ang buong bansa sa Marso upang mabalanse ang pagtugon sa paglaganap ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) kung saan kailangan nang kumayod ng mga Pilipino para sa pang-araw-araw na pangangailangan.
Gayunman, tinutulan ito ni Pangulong Rodrigo Duterte at sinabing
“No vaccine rollout, no MGCQ”.