ni Danny Estacio

LAGUNA – Napatay ng mga awtoridad ang dalawang pinaghihinalaang riding in-tandem habang isinasagawa ang “Oplan Sita” sa Langkiwa-Timbao Road sa Biñan City sa nasabing lalawigan, kahapon ng madaling araw.

Hindi pa matukoy ng pulisya ang pagkakakilanlan ng mga suspek na nagtamo ng tama ng bala ng baril at namatay habang isinusugod sa Ospital ng Biñan.

Bago ang insidente, nagsasagawa ng operasyon ang mga tauhan ng Highway Patrol Group-Police Regional Offife 4A (HPG- PRO4A), at Special Weapons and Tactics (SWAT) ng Biñan City Police Station laban sa mga sa riding in-tandem suspect, dakong 3:25 ng madaling araw.

Probinsya

Truck na naghatid ng mga balota sa Bukidnon, nahulog sa bangin; isa patay!

Pinatitigil ng pulis ang isang motorsiklo, sakay ng tatlong lalaki.

Gayunman, sa halip na tumigil, ang dalawang naka-angas ay tumalon mula sa motorsiklo at pinaputukan ang mga pulis.

Tumimbuwang ang dalawa nang makipagbarilan sa kanila ang mga pulis, ayon pa sa ulat.