ni Mercy Lejarde
PASOK sa top trending topics sa Twitter ang pagbabalik-telebisyon ng world-class singing competition for kids na Centerstage.
Sa pangunguna ng hosts na sina Asia’s Multimedia Star Alden Richards at Betong Sumaya, kasama ang judges na sina Concert Queen Pops Fernandez, Soul Diva Aicelle Santos at Maestro Mel Villena, natunghayan na ulit ng Kapuso viewers ang talented at aspiring young artists.
Napanood last Sunday night ang pagbabalik ng Defending Champion na si Colline Salazar, kung saan siya ay humarap sa apat na contenders para ilaban ang kaniyang titulo.
Marami pang dapat abangan sa Centerstage sa mga susunod nitong episodes kaya huwag palalampasin ito tuwing Linggo, 7:40 PM, sa GMA-7.