Ni MERCY LEJARDE
KAHIT pandemic ay may lilitaw at lilitaw na bagong mukha sa showbiz cinema world tulad nitong si Chloe Barreto na unang ipinakilala sa pelikulang Anak Ng Macho Dancer at ngayon ay leading lady na ni Marco Gomez sa pelikulang Silab directed by Joel Lamangan.

No. Hindi siya related sa mga Barretto sisters. Isa lang ang T sa kanyang apelyido. Yun nga lang katunog ng apelyido nina Gretchen, Claudine, Marjorie at Julia.
But what’s in a name anyway? Ang importante pahalagahan mo at bigyan ng importansya ang namesung na ibinigay sa iyo after kang ipanganak sa mundong ibabaw nang iyong Mommy Dearest, devah naman Madam Len Carrilo, Jobert Sucaldito at Leo Bukas?
After doing a hubo’t hubad scene sa Anak Ng Macho Dancer Chloe’s role naman sa Silab ay isang babaeng kulang sa pagmamahal ang asawang OFW played by Jason Abalos till nakilala niya si Marco Gomez.
Siyempre, meron din siyang mga daring scenes with Jason at Marco in pernes.
Now ang tanong, ito na bang si Chloe Barreto ang bagong Rosanna Roces of Pandemic era?
Well, why not chocnut? Maganda, makinis, may height, may pretty fexlak at oozing with sex appeal ang isang Chloe Barreto in person sa true lang. At tipong ma-PR at hindi tipong supladita na kumbaga kay daling lapitan at kahit anong tanong ay kanyang sinasagot.
So Ladies & Gentlemen, watch out for Chloe Barreto as the next would be big star in the making.
Yon lang and I thank you.