ANG Glutagence Glow Boosters, isa sa tatlong bagong koponang lalahok sa Women's National Basketball League (WNBL) ngayongseason, ang unang pipili sa idaraos na unang draft ng liga base sa resulta ng naganap na online draft lottery nitong Linggo ng gabi.

Bukod sa first overall pick, ang Glutagence din ang unang pipili sa second at third rounds.

Ayon kay NBL executive vice president Rhose Montreal, nagkaroon ng karapatang unang makapili ang Glow Boosters dahil sila ang may pinaka konting "protected players" galing sa mga beterano ng inaugural staging ng liga noong 2019 bago ito naging professional league, kung saan kumuha sila ng tatlo.

Ang isa pang baguhang koponan na Quezon Lady Spartan ay magsisimula naman na makapili sa third round kasunod ng Glow Boosters.

Muntik mag-suntukan! Beermen vs Taoyuan, nagkainitan sa PBA-EASL

Pagdating ng fourth round, mauuna na ang Lady Spartan sa pagpili kasunod ang isa pang rookie squad na Pacific Water Queens at Glow Boosters.

Ang Quezon pa rin ang may hawak ng first pick sa fifth round, kasunod ang Pacific Water, pangatlo ang Parañaque Lady Aces, isa sa dalawang nalabing teams noong unang taon ng liga at pang apat ang Glutagence.

Ang Draft na nakatakdang idaos sa Sabado ng gabi ay hanggang 12 rounds.

Nauna ng kumuha ang Quezon ng limang players para sa kanilang "protected list", anim naman ss Pacific Water at pito sa Parañaque. Ang isa pang beteranong team-ang Navy ay mayroon ng buong line-up na pawang mga enlisted personnels. Marivic Awitan