WASHINGTON (AFP) — Tumanggi nitong Huwebes si dating US president Donald Trump na magpatotoo sa kanyang nalalapit na impeachment trial matapos na ipatawag ng House prosecutors upang magbigay ng katibayan, binansagan ang proseso na “unconstitutional.”

Tinawanan ng mga abugado ni Trump ang kahilingan sa isang liham ni lead House prosecutor Jamie Raskin na sagutin ang mga katanungan kaugnay s pag-atake noong Enero 6 sa US Capitol bilang isang “public relations stunt.”

“Your letter only confirms what is known to everyone: you cannot prove your allegations” laban kay Trump, sinabi ng mga abugado na sina Bruce Castor at David Schoen sa kanilang sagot.

Habang hindi sinabi ng mga abugado kung siya ay tetestigo, sinabi ng senior advisor ni Trump na si Jason Miller, na hindi.

Internasyonal

‘Doraemon’ voice actor Nobuyo Oyama, pumanaw na

“The president will not testify in an unconstitutional proceeding,” sinabi ni Miller sa AFP. Ang pagtanggi ay dumating limang araw bago ang paglilitis sa dating pinuno ng US sa isang impeachment charge ng “incitement to insurrection” ay magbubukas sa Senado ng US.

Sa kanyang unprecedented na pangalawang impeachment trial, inakusahan si Trump ng paghihikayat sa atake ng kanyang mga tagasuporta sa US legislature isang buwan na ang nakakalipas, na nagpuwersa sa paghinto sa proceedings upang patunayan ang tagumpay ng kalaban na si Joe Biden noong November presidential election.