ni DANTE A. LAGANA
Going stronger ang relasyon ng Kapuso stars na sina Khalil Ramos at Gabbi Garcia. Kitang-kita ito sa kanilang pahayag sa new episode ng Tunay na Buhay ng GMA-7 hosted by Pia Arcangel. Bagamat virtual ang interview ni Pia, hindi niya maiwasang kiligin sa takbo ng relasyon ng dalawa.

Nagbalik alaala si Khalil noong una niyang makita at mabighani kay Gabbi sa debut ng Kapamilya actress na si Julia Barretto. “She was so elegant kasi during that time, kasi she was ano e so dress up. As in super elegant. But then when I got to talk to her during that night she was such a sweet person. She was someone that you could easily talk to. She was very a warm person,” sabi ni Khalil.
Two years daw nang magkrus muli ang landas nila. Sa pagkakataong iyon naging magkaibigan sina Gabbi at Khalil hanggang sa nagkaligawan. Intact ang communication ng magkasintahan at kapwa sila nagkakaintindihan kaya naman naka-three years na ang kanilang relasyon.
Nagbahagi naman si Gabbi tungkol sa katangiang mayroon si Khalil kaya naman nagustuhan niya ito.
“Khalil kasi is a very wise and smart guy. He’s a very deep and what I love about him is ano siya may pagka-misteryoso. You’ll never really get to know the full him until you actually spend time with him. We’re good, we’re really happy parang andoon na kami sa stage na secured kami and we’re happy and we’re helping each other,” ani Gabbi.
Dahil nga sa mga bata pa naman sila, never silang nagmamadali to settle down o ma-pressure sa kanilang relasyon. Wika nga ni Khalil “life partner” sila ni Gabbi. Yun na!