Ni REMY UMEREZ
Kung hanap nyo ang isang fresh at full of life na news anchor, TV5 provides the answer sa katauhan ni Gretchen Ho, na opisyal na ang pagiging âKapatidâ simula ngayong Pebrero.
Co-anchor siya sa The Big Story with Mr. Roby Alampay on Cignal One News. Maghahatid siya ng entertainment at sport stories sa Frontline Pilipinas sa TV5. Hopefully, she might cover the Olympics kung matutuloy.
Personal advocacy ni Gretchen ang pagtulong sa kapwa at planong magproduce ng âWoman In Actionâ
para sa Cignal. Graduate ng dalawang degree (AB Communications at BS Management Engineering) from Ateneo, kung saan siya naging volleyball player sa loob ng limang taon.
2013 ay naging host siya ng sports magazine at later ay katropa ng Umagang
Kay Ganda morning show at TV Patrol evening newscast ng ABS CBN.
Pinasalamatan niya ang dating network sa transition nila from athlete to being a host.
Sa karanasan niya in her line of work, pakiramdam ni Gretchen ay nag-mature na siya at nagkaroon ng confidence sa sarili.
At by sheer coincidence, another Roby (with a âYâ) ang katrabaho niya sa The Big Story. Ang ex BF niyang si Robi Domingo ay nananatiling Kapamilya.