ni Bert de Guzman
Dahil sa kanilang mahalaga at sensitibong trabaho sa panahon ng Covid-19 pandemic, pinagtibay ng Kamara sa pangatlo at huling pagbasa ang House Bill 8259 na nagkakaloob sa medical frontliners ng kaginhawahan sa pagbabayad ng income tax para sa taxable year 2020.
Ang panukalang “Handog sa mga Bayaning Lumaban Kontra COVID-19 Act” na inakda ni Deputy Speaker Michael Romero, ay mag-exempt sa lahat ng medical frontliners sa pagbabayad ng 25 porsiyento ng income tax.
Batay sa panukala, ang medical front-liners ay mga tao na sangkot sa “health-related service and employed in hospitals, clinics, or other medical institutions, whether public or private, which treat patients infected with COVID-19.”
Kabilang dito ang administrative employees, support personnel, at staff, maging ano man ang kanilang employment status.