Nina VANNE ELAINE P. TERRAZOLA, BETH CAMIA at LEONEL M. ABASOLA

60-araw na pag-freeze ng presyo sa baboy at manok ay magkakabisa sa mga pampublikong merkado sa susunod na linggo, Lunes, ayon kay Agriculture Secretary William Dar.

“The price ceiling will be effectively be enforced by February 8, 2021,” sinabi ni Dar sa pagdinig ng Kamara sa tumataas na presyo ng mga pagkain nitong Martes.

Nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order No 124 na nagpapataw ng price cap sa mga produktong baboy at manok sa Metro Manila sa loob ng dalawang buwan.

National

Heydarian, happy sa 'immense progress' at latest HDI score ng Mindanao

Batay sa rekomendasyon ng DA, ang limitasyon ay nakalagay sa P270 bawat kilo para sa pork kasim at pigue; P300 / kg para sa tiyan ng baboy (liempo); at P160 / kg para sa dressed chicken.

Sa pagdinig sa Kamara, sinabi ni Dar na habang sinasabi ng EO na ang pag-freeze ng premyo ay dapat na ipatupad kaagad pagkatapos na mailathala sa Opisyal na Gazette o sa isang pahayagan, binibigyan ng gobyerno ang mga stakeholder na ayusin ang ipinag-utos na price ceiling.

“The price ceiling is now place but we are giving chance for everyone to understand na ito ay temporary at for two months [only],” aniya.

“Para everyone is going to adjust, at meron naman tayong sense na mayroon nang nabili itong mataas na presyo...we’ll

give them until Monday. So effective Monday...ay ‘yong instrumentalites of government will now start implementing in a big way, properly, itong price freeze,” dagdag niya.

Sa public markets lang

Gayunpaman, nilinaw ni Dar na ang price cap ay mailalapat lamang sa mga produktong baboy at manok na ipinagbibili sa mga pampublikong pamilihan. Ang mga supermarket sa National Capital Region ay hindi sakop ng EO, aniya.

“Baka tatanungin po ninyo bakit hindi pa isama ang supermarket? Eh ito naman ay may option ang mga mamimili. Kung mas gusto niya ay mas mababa -- eh mas mataas sa supermarket -- eh, di pumunta siya sa public market,” paliwanag niya.

Sinabi ni Dar na nakatanggap ang DA, ng mga ulat na maraming supermarkets ay nagbebenta ng baboy na mas mababa kaysa mga palengke.

Kinuwestyon ni Rosendo So ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) ang posisyong ito.

“Kawawa naman ‘yong mga nagbebenta ng isang kilo, dalawang kilo sa public markets, ‘yon ang gusto nilang hulihin. Pero ang malalaking supermarket, okay lang?

“I think that is not fair,” aniya.

Subsidiya sa biyahe ng karne

Humihirit ang grupo ng subsidiya sa pagbyahe ng kanilang mga produkto mula Visayas at Mindanao patungong Luzon upang makasabay sa ipinatupad na price cap.

Ayon kay So, mayorya ng suplay ng karne sa Luzon ay galing sa Visayas at General Santos City matapos na mawala ang nasa 70 porsyentong stock ng Luzon.

“Hinihingi natin yung transportation subsidy around P30. ‘Pag binigay ni Secretary yun makakatulong,” ani So.

“‘Yun ang reality. Kami nga rito sa Pangasinan galing Bisaya ang stocks namin. Sinasabi nating tataas ang presyo dahil malayo,” niya.

“Matumal pa rin po kasi mataas pa rin po. Sa ngayon po sa tingin ko bababa yan pero sa presyo na binigay nila mukhang di magatatama kasi ang puhunan namin mas mataas pa sa binibigay nilang price ceiling,” paliwanag niya.

Sinabi rin ni Alyansa Agrikultura chair Ernesto Ordoñez sa House panel na ang P270-P300 price ceilings ay “not consistent” sa inaprubahang resolution ng the National Price Coordinating Council, na nagrerekomenda na ang suggested retail price (SRP) ay dapat na ipataw sa halip na price cap “for more flexibility”.

Sinabi ng mga grupo na hindi sila kinonsulta bago inirekomenda price cap kay Pangulong Duterte.

Ipatupad sa lahat ng antas

Hiniling ni Senador Risa Hontiveros na ipatupad ang price freeze sa karne ng manot at baboy sa malalaking kumpanya at huwag pahirapan ang maliliit na tindero at tindera.

Aniya, paano ibabagsak ang presyo sa merkado kung ang kuha nila sa malalaking negosyante ay mataas na rin.

“Maganda naman ang layunin ng moratorium sa price increase sa mga bilihin. Pero kailangang siguraduhin na hindi maiipit at pagdidiskitahan ang mga manininda natin sa palengke. Baka kasi sa farm gate, assembler, processor, sa cold storage, o sa byahe papuntang palengke nangyayari ang pagtaas ng presyo,” ani Hontiveros.

Kailangan din aniyang kumilos ang Department of Trade and Industry (DTI) at Department of Agriculture (DA) at kung maari ay makipagtulungan na rin sa Philippine Competition Commission (PCC).