Inilunsad nitong Biyernes ng European Commission ang isang scheme upang i-monitor at sa ilang kaso ay harangin ang pag-e-exports ng bakuna na produced sa EU plants, sa gitna ng sigalot sa British-Swedish drugs giant AstraZeneca.

“Today’s measure has been adopted with the utmost urgency. The aim is to provide us immediately with full transparency…. And if needed, it also will provide us with a tool to ensure vaccine deliveries.”

Ang emergency measure ay inisyal na sa loob lamang ng anim na linggo ngunit nais itong ipagpatuloy hanggang sa pagtatapos ng Marso.

Iginiit naman ng WHO na “very worrying trend” ang hakbang na ito ng EU na maaaring makaapekto sa global supply chain ng bakuna.

National

VP Sara, humingi ng pasensya sa mga ‘nai-stress’ sa kaniyang sitwasyon

“It is not helpful to have any country at this stage putting export bans or export barriers that will not allow for the free movement of the necessary ingredients that will make vaccines, diagnostics and other medicines available to all the world,” pahayag ni Mariangela Simao, WHO assistant director for access to medicines and health product.

Ang plano ng EU ay para lamang sa coronavirus vaccines na sakop ng advance purchase agreements sa pagitan ng mga drug companies at ng European Commission.

Kailangang pang mag-apply ng mga kumpanya sa UE ng authorisation para mai-export ang doses na para sa mga bansa sa labas ng bloc, at ipakita ang kanilang export records sa nakalipas na tatlong buwan.

Hindi naman kasama sa bagong eskema ang mga non-EU countries sa loob at sa paligid ng Europe, tulad ng Switzerland, mga nasa Balkans o micro-states tulad ng Monaco.

Ngunit ang Britain na kumalas sa EU nitong nakaraang taon ay hindi kasama.

Nasa sigalot ang Brussels at AstraZeneca nitong nakaraang linggo, na inakusahan ng bansa ng paglabag sa kontrata sa pagkaantala ng delivery ng vaccine doses sa EU governments habang pinanatili ang kasunduan nito sa UK.

Gayunman, iginiit ni Health Commissioner Stella Kyriakides na: “We are not protecting ourselves against any specific country. And we’re not in competition or in a race against any country.”

Nito lamang Huwebes nakaroon ng searching sa isa sa planta ng AstraZeneca sa southern Belgium matapos ang hiling ng European Commission at inaanalisa ang mga nakuhang datos.

AFP