GEORGIA (AFP)— Isang pagtagas ng liquid nitrogen sa isang planta ng pagproseso ng pagkain ang pumatay sa anim na katao at nasugatan ang 11 iba pa malapit sa katimugang lungsod ng US ng Atlanta nitong Huwebes, sinabi ng pulisya.

Mayroong 5 namatay na nakumpirma sa lugas ng pagtagas, sinabi ng pulisya mula sa Gainesville, Georgia sa mga reporter, at idinagdag ng mga awtoridad sa kalusugan na 12 katao ang dinala sa isang ospital, kasama ang isang bumbero, lahat ay nagdurusa mula sa pinsala sa paghinga.

Isa sa kanila ay namatay sa ospital, sinabi ni Zachary Brackett ng Hall County Fire Services sa mga reporter. Tatlong iba pa ay nasa kritikal na pangangalaga, lima ang nasa maayos na kondisyon at tatlo ang nakalabas sa ospital kinahapunan.

Internasyonal

Mga motorista sa China, ‘naulanan’ ng dumi ng tao mula sa isang sumabog na pipeline

Ang pagtagas ay hindi nagdulot ng pagsabog, at iniimbestigahan pa ang sanhi nito.