Nasa pamunuan na ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) ang pagpapasya sa panawagan ng ilang grupo na itaas ang sahod ng mga manggagawa, sa kabila ng naitatalang pagtaas ng presyo sa ilang pangunahing bilihin, partikular sa produktong agrikultura.

Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, mayroong batas na umiiral kaugnay ng usapin.

“Mayroon na po tayong batas tungkol diyan. Ang mga Regional Wage Board po ang magde-desisyon diyan, puwede naman pong kahit sino ang mag-apply for increase in the regional minimum wage if they would want to,” paliwanag nito.

Gayunpaman, sinabi ni Roque na kailangan pa ring balansehin ang usaping ito, lalo’t humaharap pa rin sa coronavirus disease 2019 pandemic ang bansa.

Padilla, binara si Castro kontra VP Sara: 'Ipagpaliban muna maduming pulitika!'

Maraming negosyo aniya ang nahihirapan dahil sa epekto ng pandemiya, at marami na rin ang nagsara.

-Beth Camia