ANG magpasaya ng kapwa ang isa sa goal ni Kris Aquino ngayong 2021.

kris

“And be sure to make another or others happy, lovelovelove #2021” pagbabahagi ni Kris sa kanyang Instagram post.

Una rito nagpahayag na rin siya ng kanyang interes na tulungan ang ilan sa mga kababayang nawalan ng trabaho at matinding naapektuhan ng kasalukuyang pandemya. Hindi naging fruitful ang nakaraang 2020 para kay Kris pagdating sa pagkakaroon nt TV shows at ilang endorsements, nagawa pa rin niyang magbahagi ng blessings na natanggap nitong nagdaang taon.

Tsika at Intriga

Cristine Reyes, Marco Gumabao in-unfollow na ang isa't isa

Samantala, ibinahagi rin ng Queen of all Media ang kanyang New Year’s Resolution at nais makamit ngayong taon.

“My 2021 resolution: everyday do something that makes me happy,” share ni Kris.

Sa mga nagdaang buwan, maraming pagsubok ang pinagdaanan ni Kris dahil bukod sa health crisis na dinaranas ng bansa due to COVID-19 ay meron din siyang health condition na iniinda.

-ADOR V. SALUTA