SA January 2021 na raw pipirma sa ABS-CBN si Janine Gutierrez na after nine years sa GMA Network, lilipat na sa Kapamilya Network. Ang sabi, hindi ni-renew ng GMA Artist Center ang management contract sa kanila ng aktres nang mag-expire ang kontrata nito.

janine

May nagsabi namang naunang makipag-negotiate sa ABS-CBN si Janine bago pa mag-expire ang kontrata sa GMAAC, pero mas tama raw na hindi ni-renew ang kanyang kontrata, kaya nakipag-usap sila ng kanyang management sa ABS-CBN.

Walang sinasabing rason ang GMAAC kung bakit hindi nila ni-renew ang kontrata

ni Janine na marami ang nagtataka dahil magaling siyang aktres at katunayan, sunud-sunod ang pananalo ng acting awards para sa pelikulang Babae at Baril.

'Ensayo na!' Eman Bacosa, Raheel Bhyria nagkita

Anyway, nalulungkot ang fans nina Janine at BF nitong si Rayver Cruz dahil paglipat niya sa ABS-CBN, lalong malabo ang wish nilang magtambal sana silang dalawa sa shows ng Kapuso Network. Nag-expire na lang kasi ang kontrata ni Janine sa GMAAC na hindi sila nagtambal ni Rayver.

Maiiwan sa GMA-7 si Rayver dahil may kontrata pa siya sa Kapuso Network. After his contract expires, tingnan natin kung babalik si Rayver sa ABS-CBN para sundan si Janine. Maalalang lumipat si Rayver sa GMA-7 from ABS-CBN para raw sundan si Janine sa GMA Network.

-NITZ MIRALLES