ANG daming tinamaan sa tweet reaction ni Janella Salvador na “Filipinos are the worst body shamers. Let me enjoy my Christmas pudding in peace. Happy holidays to you too!”
Ang dami kasing nag-react sa update nila ng boyfriend na si Markus Paterson kung saan, makikitang nadagdagan ang timbang ni Janella. Kaya kung anu-ano na ang comment ng netizens.
Kaya nakapag-tweet si Janella, pero ayaw magpatalo ng bashers dahil kung ayaw daw niyang mapansin, ‘iwan na niya ang showbiz. May nagpaalala rin kay Janella na ‘wag niyang lahatin dahil hindi naman lahat ay body shamers.
In fairness, mas marami pa rin ang tanggap si Janella mataba man siya o payat. Kumain lang daw siya kahit anong gusto niya dahil katawan naman niya ang dala-dala niya. May nag-comment pa ngang sampalin niya ng pudding ang mga nam-body shame sa kanya.
Ayaw lang magpadala sa bashers si Janella dahil sinundan ng “an extra special Christmas of many firsts. HAPPY Holidays, everybody!”
-Nitz Miralles