KABILANG na si Jane de Leon sa malaking cast ng Ang Probinsyano at gagampanan niya ang karakter ni Police Captain Natalia Mante.
“Super happy and super unexpected talaga... kahit sino naman gugustuhing maging part ng Probinsyano. Kailangan ko maging ready physically... but mentally and emotionally. Kailangan ready din ako kasi bagong family ang makakasama ko rito,” pahayag ni Jane.
Dahil sa pagpasok ni Jane sa Ang Probinsyano may mga tsika na papalitan niya si Yassi Pressman na leading lady ni Coco Martin na malabong mangyari. Mas tamang kaya ipinasok si Jane sa series bilang paghahanda sa airing ng series niyang Darna.
-NITZ MIRALLES