SA Twitter lang may mga nagreklamo sa performance ni Ai-Ai delas Alas kung saan, kinanta niya ng live ang Lovesick Girls ng BlackPink sa Christmas Special ng The Clash. Sa Instagram kasi, ang comment, natuwa sila sa effort ni Ai-Ai na kantahin at isayaw ang song na mag-isa.

aiai

Sa Twitter, may nagsulong pa ng petition na patigilin daw si Ai-Ai sa pagkanta ng any song ng BlackPink dahil sinisira raw niya ang songs ng BlackPink. Inirereklamo ng Blinks (tawag sa fans ng BlackPink) na hindi masyadong inaaral ni Ai-Ai ang Korean lyrics, kaya hindi maganda ang dating.

Pero, may mga natutuwa pa rin kay Ai-Ai sa pagkanta sa songs ng BlackPink at tanggap ng ilang Blinks na siya ang fifth member ng BlackPink, kaya sige lang daw, ipagpatuloy niya ang kanyang ginagawa.

Tsika at Intriga

Cristine Reyes, Marco Gumabao finollow na ulit ang isa’t isa

Alam ni Ai-Ai na maba-bash siya, kaya humingi ng pasensya. “Mga Blinks pasensya na muntik ng ‘di kayanin pero INILABAN KO NAMAN... (apat naman sila na nakanta at nagra rap mag isa lang ako gumawa tulong naman) wohooo MERRY CHRISTMAS NALANG MGA KA BLINKS KO!!!”

-Nitz Miralles