NAKIUSAP si Sharon Cuneta sa kanyang fans na ‘wag sisihin ang ABS-CBN kung bakit wala siya sa Christmas Special ng ABS-CBN. Sabi ni Sharon, “Please do not blame ABS-CBN for my absence in their Christmas Special. It was not their fault. Ako ang hindi pumuwede. But I was getting several calls and texts from my Boss to go. Sorry for the mix-up! I couldn’t make it and I am so sorry because I really wanted to be there!”
Samantala, umaasa ang fans ni Sharon na matuloy ang Star Cinema movie nina Sharon at young actor na si Zaijan Jaranilla for 2021 ito. Wish din nilang magbalik na judge si Sharon sa isang singing competition ng ABS-CBN.
Anyway, ang tagal palang gagawin ang bahay nina Sharon at Sen. Kiko Pangilinan. Aabutin daw ng two years dahil malaki yata at maraming gagawin sa bahay, may room pa for her fur babies. Gustung-gusto pa naman ni Sharon na makalipat na para sama-sama na ang kanyang mga alagang aso at balak pa niyang dagdagan ang kanyang fur babies.
-Nitz Miralles