BIHIRA sa showbiz couple na naghiwalay ang manatiling magkaibigan tulad nina Martin Nievera at Pops Fernandez. Paano nila ito nagawa? “Hindi ito naging madali but life must go on. It takes time to heal but one has to move on. Kalimutan what happened in the past. Don’t dwell on that dahil hihilahin kang pababa. Nanatili kaming magkaibigan at ito ang foundation namin ni Martin,” pagbabahagi ni Pops.
Reunited ang dalawa sa bagong show na eXes & whYs. Lahat ay welcome maging guest sikat o hindi for as long na meron silang interesting story to share.
Si Brad Pitt ang Hollywood actor at ex husband ni Angelina Jolie ang gustong maging guest ni Martin. Ang type ni Pops ay ang Megastar Sharon Cuneta. May nag-suggest bakit hindi si Derek Ramsay at ipaliwanag ang lahat. Sa nahuhuli sa balita. Nadawit ang pangalan ni Pops sa hiwalayang Derek at Andrea Torres.
“Actually ako ang naging dahilan ng split because I have better abs,” pabirong wika ni Martin.
-REMY UMEREZ