ILAN na ring mga celebrities ang naging ama o naging tatay uli itong mismong pandemya. Isa na rito ay ang radio-TV host na si KC Montero.Ayos! Ganap nang daddy si KC.Magandang balita ito na ipinost ni KC sa kanyang Instagram ang black and white photo habang hawak hawak ni KC ang mga daliri ng kanyang baby boy. Yun nga lang hindi kita ang buong hitsura ng baby niya. Hindi tuloy malaman kung kanino kamukha, kay KC ba o sa kanyang napakagandang loving wife na si Stephanie Dods. Malamang suprise muna. Kalaunan ipapakita rin nila ang cute nilang anak.Sa caption ng photo nakatala na isinilang ang baby ni KC ito lang Dec. 14. Sey ni KC, “Your mom and I have been waiting a long time to meet you.Wyatt Cody Miller. 12.14.2020.”Sa edad niyang 42 tila medyo natagalan para magkaroon ng matatawag na kanyang sariling pamilya. Sa mga celebrities na naging karelasyon ni KC ay never siyang nagkaroon ng supling. Magmula kay Geneva Cruz at kay Rhian Ramos. Ikinasal siya sa kanyang wife na isang fashion designer at interior decorator noong nakaraang taon ng Sept. 9.Matatandaang last Nov. 5 nang i-announce ni KC sa kanyang socmed ang kaganapan nilang mag-asawa. Saad niya, “In about 30 days we’re bringing a little angel into this world. I say we, but honestly it’s YOU. You’re doing all the work. You’re the one getting kicked in the ribs, your bladder punched, countless pin pricks to your fingers, just to name a few. You’ve done most of this on your own and I couldn’t be more proud to call you my wife.. You’re a tough mama. I can’t wait to see you two together. I love you so much. @stephaniedods .. can you believe this is really happening?”Dahil sa good news nag-uumapaw sa tuwa ang mga showbiz friends ni KC maging ang mga followers niya sa pagbati ng congratulations at pagwelcome lalo na ang kanyang kapatid na si Troy Montero na aniya, Welcome to Fam little guy. Yun na!

-DANTE A. LAGANA
Tsika at Intriga

Drag queen, kinuyog sa pagkutya raw sa pagkawala ng leg ni Jiggly Caliente