AKALA namin si Lovi Poe ang nasa litrato dahil parang posing ni Lovi ang aming nakita, nabasa lang namin ang comment ni Ruru Madrid na “Mi amor” at saka, tsinek uli namin ang picture. Si Bianca Umali pala ang nasa litrato at hindi si Lovi, hahaha!
Napapansin namin at ng netizens na very open na si Ruru in expressing his love for his girlfriend, unlike before na careful pa siya na ipahayag ang pagmamahal sa Kapuso aktres. Ngayon, hindi na rin nila iniiwasan ang panunukso ng mga kaibigan, kaya mas masaya ang dalawa sa kanilang relasyon ngayon.
Ang maganda pa, hindi kailangang magtambal sina Ruru at Bianca para maging active ang kanilang showbiz career. Si Bianca, isa sa leading lady ni Dennis Trillo sa Legal Wives at first time nitong gaganap sa role ng babaing may asawa.
Si Ruru naman ay nagti-training na para sa pagbibidahang Lolong kung saan katambal sina Shaira Diaz at Arra San Agustin. Hindi naman siguro pagseselosan ni Bianca ang dalawang leading ladies ni Ruru dahil pareho silang taken na.
Nitz Miralles