Naging instant milyonaryo ang isang Bulakenyo matapos tamaan ang mahigit sa P166 milyong jackpot prize sa MegaLotto 6/45 nitong Lunes ng gabi.

Ayon kay Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Royina Garma, nahulaan ng lucky bettor ang winning combination na 34-11-06-24-25-39 na may kabuuang premyong P166,546,579.20.

Nabatid na sa Marilao, Bulacan nabili ng lotto winner ang winning ticket.

-Mary Ann Santiago
Probinsya

Sunog na bangkay, natagpuan ng mga alagang asong ipinapasyal lang ng kanilang amo