MASUWERTE si Kapuso actor Ken Chan na pawang mga challenging roles ang ibinibigay sa kanya ng GMA Entertainment Group, sa bawat seryeng gawin niya.

ken chan

Tulad ngayon, sa bagong serye na gagawin niya, nag-post ang GMA Drama ng teaser nito na ipinakikita si Ken na in-character habang tila nakikipag-away siya sa kanyang asawa, matapos na mahuli siyang may kalaguyo. Patikim lamang ito sa role na gagampanan niya sa upcoming series niyang Ang Dalawang Ikaw.

Dual character kasi si Ken, ang isa ay agresibo, sa video na ipinakita, na may sintomas siya na may split personality. True enough, dalawa nga ang kanyang katauhan, ang isa ay ang mabait na si Nelson, na asawa niya si Rita Daniela. Ang isa ay si Tyler na agresibo nga ang character, dahil mayroon siyang mental illness na tinatawag na dissociative identity disorder.

Events

'Rated J?' Korina Sanchez, Jessica Soho naispatang magkasama sa Vatican

Kaya kailangang paghandaan ni Ken ang dalawa niyang character, both ay kailangan niyang mag-undergo ng mga trainings na kasalukuyan na niyang ginagawa. Very soon ay mapapanood na rin ang Ang Dalawang Ikaw sa GMA-7.

-Nora V. Calderon