Nakakuha ng almost hundred thousand likes ang Instagram post ni Pasig City Mayor Vico Sotto matapos niyang bumisita sa taping ng Daddy’s Gurl ng M-Zet Productions, na pag-aari ng ama niyang si Vic Sotto, sa Rainforest Adventure Experience Park, sa Pasig City. Simula nang payagang mag-taping na nang live ang sitcom na nagtatampok kina Vic at phenomenal star Maine Mendoza, doon na nila ito lagi ginagawa dahil open air, hindi tulad sa studio na aircon.

vico

Pinansin ng mga netizens ang post ni Mayor Vico na “binisita ko sila para maningil ng fees.” (with peace sign emoji)

Kasama sa cast ang brother niyang si Oyo Sotto kaya sabi pa ni Mayor Vico: “first time to see Kuya Oyo since March!!!”

Pelikula

‘Lagot ka kay Bro!’ Zaijan Jaranilla, Jane Oineza nagsagpangan sa bagong pelikula

“Actually, nung una nahihiya yung mga empleyado ng LGU na singilin ang M-Zet Productions ng fees, dahil alam nilang kay Papa ‘yun. Pero nung nalaman ko ito, ang sabi ko, MAS LALONGDAPAT singilin pag kamag-anak ko!! Ma-check nga bukas kung bayad na sila,” dagdag niya.

Naki-photo shoot muna si Mayor Vico sa cast bago umalis.

Napapanood ang Daddy’s Gurl tuwing Sabado ng gabi sa GMA-7

-NORA V. CALDERON