Kailangang ayusin agad ng Bureau of Customs (BOC) ang malimit na online system glitches nito upang maprotektahan ang mga importer sa walang saysay na storage at demurrage fees.
Ipinaliwanag ni Puwersa ng Bayaning Atleta (PBA) party-list Rep. Jericho Nograles, dahil sa pagkasira ng online services nito, nababalam ang pagri-release ng containers at shipments sa tamang panahon.
Aniya, ang mga importer at business sector ay hindi dapat parusahan sa karagdagang storage at demurrage fees bunsod ng online system failure ng BOC.
“While the online system has sped up the processes in Customs, we have received numerous complaints that when the system bogs down, the unscrupulous fixers begin their trade,” ayon pa sa kongresista
-BERT DE GUZMAN