MAY mga taong waldas sa pera. It also applies sa ilang artista nababalitang naghihirap dahil walang naipon. Hindi kabilang sa kategorya si Enchong Dee. Dahil naniniwala siya sa kasabihang ‘saving for a rainy day’. Ngayong panahon ng pandemya hindi nababahala ang aktor kung saan kukuha ng pambayad sa kuryente and other monthly bills. Napaghandaan lahat ito ng aktor sapul ng mag-artista.
Sa aming kaalaman ay nakapagpatayo ng building si Enchong na pinapaupahan. Batid ni Enchong na hindi stable ang pag-aartista. The fact na nakaka-angat siya sa karamihan, naging daan ito na tulungan ang mga nasalanta ng Bagyong Ulysses.
Samantala, marami ang nag-aabang sa tambalan nila ni Jasmine Curtis Smith sa Alter Me produced ng Viva. ‘Di umano’y may sexy scenes ang dalawa na ngayon lang nila ginawa. Gaano ka bold kaya?
-Remy Umerez