MARAMI agad ang sumagot sa panawagan ni Kris Aquino sa social media na kailangan niya ng nurse at hindi lang basta nurse. Nurse na makakaya siyang buhatin ang kailangan ni Kris.

kris

Sabi ni Kris, “Yesterday, I was vertigo-ing. Is there such a word?,” tanong ni Kris sa mga tao sa kanyang paligid habang break sa TVC shoot ng isa niyang bagong endorsement.

Kasama ni Kris sa sinu-shoot na TVC ang anak na si Bimb at may sinabing, “When you started to catch me, you started to catch me, you started giggling.” Nabanggit din nitong hinimatay siya kamakailan.

Pelikula

‘Lagot ka kay Bro!’ Zaijan Jaranilla, Jane Oineza nagsagpangan sa bagong pelikula

“Only a nurse could save me. Naghahanap kami ng isa pang nurse. ‘Yung kaya akong buhatin. We’re hiring just in case you want. With benefits... SSS, Philhealth, PAG-IBIG,” patuloy ni Kris habang nasa tabi niya si Bimb.

Ayun na nga, marami ang nagpakita ng interes na mag-apply na nurse kay Kris, may nagtanong agad kung saan makakakuha ng application, kung paano isa-submit ang application at kung puwede ang male nurse.

-Nitz Miralles