Nang pangalanan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang sinasabing kasangkot sa mga alingasngas sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno, lalong tumibay ang mga paniniwala na ang halos lahat ng naturang mga tanggapan ay pinamumugaran ng mga tiwali na kung minsan ay binabansagang mga kawatan. Walang kagatul-gatol na tinukoy ng Pangulo ang umano’y mga salot na nagiging balakid sa kanyang paglikha ng isang malinis at matatag na pamahalaan.
Sa Bureau of Internal Revenue (BIR), halimbawa, isa-isang ibinulgar ng Pangulo ang mga tauhan at opisyal na sinasabing nagmalabis sa tungkulin; pagsasamantala na maaring kinapapalooban ng pangungulimbat sa buwis na dapat mapunta sa kaban ng bayan. Ang ganitong sistema na tinatampukan ng pagsasabwatan ng mga tax collectors at tax payers ang maliwanag na nagiging dahilan ng pagbagsak ng koleksiyon ng nasabing ahensiya.
Katakut-takot ding bilang ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) na idinawit sa masalimuot na pastillas scandal ang pinangalanan ng Pangulo. Kinapapalooban ito ng pagtanggap ng suhol mula sa mga dayuhan upang sila ay malayang makapasok sa ating bansa. Ang ganito kayang nakadidismayang pandaraya ay may bendisyon ng may kapangyarihan sa nasabing ahensiya?

Sa paglalahad ng gayong nakadidismayang mga pagmamalabis sa iba’t ibang tanggapan, naniniwala ako na higit pa ring nakararami sa gobyerno ang maipagkakapuri sa paglilingkod. Ibig sabihin, sila ay marapat ikarangal ng sambayanang Pilipino.
Gayunman, ang paglipol sa mga katiwalian sa gobyerno ay hindi dapat matapos sa pagbubunyag lamang ng pangalan ng mga tiwali. Marapat na pausarin ang hustisya at papanagutin ang dapat managot. Sa gayon, malilipol ang itinuturing ng mga matatakaw na namumugad sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan.
-Celo Lagmay