Bagama't nakalipas na ang ating paggunita sa Buwan ng Wikang Pambansa noong nakaraang buwan, hindi ko maaaring palampasin ang pagkakataong ito nang hindi nag-uukol ng parangal o eulogy sa isang kababayan na maituturing na natatanging haligi ng Wikang Filipino. Palibhasa'y isang Bulakenyo, hindi matatawaran ang lantay na pagmamahal sa sariling wika ng iginagalang ko at isang kumpadre na si Supreme...
balita
Nanay ng doktor na kauuwi lang sa Pinas galing US, patay sa car accident
November 21, 2024
Tinapyasang budget ng opisina ni VP Sara, ‘di na dapat baguhin – Sen. Risa
GMA news reporter, nagpakilig sa netizens habang nagbabalita
It's Showtime hanggang December 2024 na lang daw sa GMA, papalitan ng TiktoClock?'
‘Pinas, tutuparin mga kondisyon ng Indonesia para sa pagpapauwi kay Veloso – DFA, DOJ
Balita
Sa pagbabalik-tanaw sa sinasabing masalimuot at karumal-dumal na pagpaslang kay Senador Benigno 'Ninoy' Aquino Jr., halos tatlong dekada na ang nakararaan, isang kabanata lamang sa aming buhay ang aking bibigyang-diin: Bilang magkapatid sa pamamahayag. Kapuwa kami naglingkod sa Manila Times Publication na pag-aari noon ng Roces family; bagamat siya ay may programa rin sa ABC Channel 5 na...
Hindi ko maaaring palampasin ang pagkakataong ito -- ang tinaguriang Buwan ng Wikang Pambansa -- nang hindi binibigyang-diin ang kahalagahan ng pagpapayaman sa wikang Filipino o Tagalog. Sa katunayan, hindi lamang sa loob ng isang linggo, tulad ng nakagawian nating Linggo ng Wika, at kahit na sa loob ng isang buwan, tulad ng pagdiriwang natin ngayon, at lalong hindi lamang sa loob ng isang taon...
Sa pagsisimula ng mahigpit na implementasyon ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa National Capital Region (NCR), natitiyak ko na muli nating madadama ang ibayong pangamba na bunsod ng matinding banta ng pandemya; kaakibat ito ng lagi kong sinasabing buhay-bilanggo o ermitanyo ng katulad kong nakatatandang mamamayan na kailangang manatili sa bahay sa halos lahat ng sandali.Ang ganitong...
Sa kasagsagan ng paghahanda ng mga magsasaka ng kanilang mga bukirin para sa wet cropping season, lumutang din ang kanilang mga reklamo hinggil sa sinasabing kakulangan at nababalam na mga ayuda mula sa Deparment of Agriculture (DA). Mga reklamo ito ng ating mga magbubukid sa Central Luzon, lalo na sa mga lalawigan ng Tarlac at Nueva Ecija, na nangangailangan ng madaliang aksiyon upang matiyak ang...
Hindi naikubli ang minsan pang pangagalaiti ni Pangulong Duterte sa kanyang pakikidigma sa droga na una na niyang pinausad sa pagsisimula pa lamang ng kanyang panunungkulan noong 2016. Sa kanyang mensahe sa sambayanan kamakalawa, bigla kong naalala ang kanyang matinding banta sa mga users, pushers at drug lords: Kapag sinira ninyo ang kinabukasan ng ating mga kabataan, papatayin ko kayo.Ang war on...
Minsan pang pinalutang ng ilang mambabatas ang panukala hinggil sa pagtulak sa political dynasty -- isang kasuklam-suklam na sistemang pampulitika na monopolyo o kontrolado ng mga magkakamag-anak. Minsan ding sumagi sa aking utak ang walang kagatul-gatol na pagtutol ng nakararaming mambabatas: 'Dead-on-Arrival' ang naturang panukala pagdating sa plenaryo. Ibig sabihin, tila kunwari lamang ang...
Tuwing ginugunita natin ang Araw ng Kalayaan o Independence Day, halos matulig tayo sa mga pagtatanong: Ganap na nga ba tayong malaya? Kagyat at positibo ang aking reaksiyon kung isasaalang-alang ang kasarinlan na ating tinatamasa ngayon -- kalayaan na naging dahilan ng pagdanak ng dugo at pagkitil ng buhay ng ating mga bayani sa kanilang pakikidigma sa mga dayuhang mananakop; hindi lamang noong...
Sa kabila ng walang humpay na pananalasa ng nakamamatay na coronavirus, hindi lamang sa ating bansa kundi maging sa buong mundo, isa na namang kababayan natin ang nag-uwi ng tinatawag na crown jewel -- isang milyong dolyar na napanalunan ni Yuka Saso sa 2021 US Women's Open Championship sa San Francisco, California. Siya ang kauna-unahang Filipino na nagtamo ng major golf championship. Isipin na...
Kabilang ako sa mga nagkibit-balikat nang lumutang ang pagpapalabas ng infomercials upang mahikayat ang ating mga kababayan na magpabakuna laban sa nakamamatay na COVID-19 -- infomercials o paanunsiyo na pangungunahan ng mga pulitiko. Kaagad nalantad ang nagkakaisang pananaw ng iba't ibang sektor ng sambayan na naniniwala na ang mistulang panghihimasok ng ilang pulitiko sa pagbalangkas ng gayong...