Magsisimula na ngayong Miyerkules, Nobyembre 25, ang pagpapatupad ng dagdag-singil sa toll fee sa North Luzon Expressway (NLEX).
Ayon kay Julius Corpus, ng Toll Regulatory Board (TRB), magsisimula ang pagpapatupad ng toll rate adjustment ganap na 12:01 ng madaling araw.
Ang adjustment para sa buong haba ng Balintawak hanggang Sta. Ines ay nasa tatlong porsiyento lamang.
Inaprubahan ng TRB ang P4.00 toll rate adjustment sa open system at P0.06 per kilometer sa closed system.
“Sa open system, para sa Class 1 ang dagdag singil lamang po P4.00, sa Class 2 mga bus, P10.00 lamang at Class 3, P11.00 lamang,” ani Corpus.
-Mary Ann Santiago