Nangako ang ilang mga mag-aaral ng Ateneo de Manila University na hindi magsusumite ng alinman sa kanilang requirements sa paaralan simula Miyerkules sa susunod na linggo (Nobyembre 18) bilang isang protesta laban sa “national government’s criminally neglectful response” sa mga nagdaang bagyo at sa “COVID-19 (coronavirus disease) pandemic as a whole.”

Ayon sa student publication na The Guidon, mahigit sa 500 edtudyante ang lumagda sa petisyon upang magsagawa ng isang mass student strike “until the national government heeds the people’s demands for proper calamity aid and pandemic response.”

Sa isang pahayag nitong Sabado, sinabi ng mga pumirma na ginawa nila ang hakbang na ito dahil hindi na nila masisikmura ang “the ever-rising number of deaths due to the state’s blatant incompetence.”

“We cannot prioritize our schoolwork when our countrymen are suffering unnecessarily at the hands of those in power. We assert that the Ateneo community must, at the moment, concentrate all efforts into helping the most vulnerable citizens of the Philippines, such as those in Cagayan, Isabela and the Bicol Region,” sinabi nila.

National

‘Julian’ isa na lamang LPA; nasa labas na ng PAR

Sa pagdami ng university students na nakikilahok sa mga pagsisikap “that address what the Duterte Administration has not been responsive to,” sinabi ng mga lumagda na gaganapin nila ang welga “in order to let them, and more of the student body, focus on their advocacies.”

“We strike in order to have the chance to be a person for and with others,” sinabi nila. “We cannot sit idly by and do our modules, ignoring the fact the Philippine nation is in shambles. We sacrifice what we have (that is our access to education) for those who do not share privileges. We go down the hill to help and empower those in need, as we have been taught in our classes. We fight back against inhumane and unjust systems that favor the elite few over the lives of the many.”

Joseph Pedrajas