Umaasa ang Manila Electric Co. (Meralco) na maibabalik nito ang kumpletong serbisyo ng kurynete sa mga apektadong lugar o service areas ngayong Linggo.

Sinabi ni Meralco spokesman Joe Zaldarriaga na ang normal operations ay mangyayari ngayong araw.

“It’s been a difficult climb for us, but I think this is one of the fastest restoration efforts that we have done, if not the fastest over the last several years or decades,” ani Zaldarriaga.

Iniulat ng Meralco na 3.8 milyong customers ang nawalan ng kuryente noong umaga ng Nobyembre 12 nang sagasaan ng bagyong “Ulysses” ang Gitnang Luzon.

Romualdez, kinondena tensyon sa Middle East; seguridad ng mga Pinoy, pinatututukan

Ayon sa Meralco, dakong 11 a.m. nitong Biyernes, bumaba na ang bilang ng mga apektadong customers sa 453,349 o 6.727 percent ng kabuuang customer base.

-Bert de Guzman