Disappointedang Kapamilya fans at viewers ng It’s Showtime sa balitang pagre-resign ng director ng show na si Bobet Vidanes. Eleven years director ng nasabing noontime show ng ABS-CBN ang director at nagpahayag na raw na walang iwanan, tapos, siya pala ang mang-iiwan.

direk bobet

Wish ng Kapamilya fans, walang host na mawala sa It’s Showtime, hindi nila gayahin si direk Bobet at maging matatag sila. May nag-comment din n asana temporary lang ang paglipat ng Kapamilya stars sa TV5 at babalik din sila kapag na-

renew na ang franchise ng ABS-CBN.

Dahil nag-resign na, parang huli na ang pakiusap ng fans na mag-stay na lang sa ABS-CBN at sa It’s Showtime si direk Bobet dahil hindi naman daw nawala at mawawala ang show at may trabaho pa rin siya.

Teleserye

Sharon Cuneta, Barbie Forteza, Khalil Ramos, John Estrada magsasama sa 'Honor Thy Mother'

Personal ang rason sa sinasabing pagre-resign ni direk Bobet sa “It’s Showtime” pero, nabalita ring tinanggap niya ang magandang offer ng Brightlight Productions na ang mga produced show ay napapanood sa TV5.

Nitz Miralles