Posibleng lumakas pa ang tropical storm ‘Siony’ (international name ‘Atsani’) at maging typhoon bago ito lumapit sa kalupaan sa bahagi ng extreme part of Northern Luzon ngayong Linggo.

Sa 11 a.m severe weather bulletin ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Miyerkules, nasa 565 kilometers (km) east ng Basco, Batanes, ang Siony na may maximum sustained winds na 85 kilometers per hour (kph) at pagbugso na umaabot sa 105 kph.

Inaasahan naman itong mananatili sa loob 24 oras, at kikilos pa kanluran sa bahagi ng extreme Northern Luzon.

Ayon sa PAGASA posibleng mag-landfall ang Bagyo sa Batanes-Babuyan Island, bagamat “there remains a high degree of uncertainty in the forecast track” dahil sa quasi-stationary state ng Siony.

Probinsya

Binatilyong hiniwalayan umano ng jowa, nagpatiwakal!

Hanggang nitong Martes, ang kombinasyon ng northeasterlies o malamig na hangin mula sa hilaga at ang bahagi ng Siony ay magdadala ng mahina hanggang sa malakas na pag-ulan sa bahagi ng Batanes, Apayao, Cagayan, at Isabela.

Nagbabala rin ang ahensiya sa publiko para sa posibleng pagbaha, at flash flood, landslides dulot ng malakas at mahabang pag-ulan, partikular sa mga lugar na highly susceptible.

-FABON at ELLALYN DE VERA-RUIZ