Aabot na sa 25 lalawigan sa bansa ang tinamaan ng African Swine Fever (ASF).
Ito ang kinumpirma ni Department of Agriculture (DA) Secretary William Dar.
Sa ngayon aniya ay mahirap wakasan ang paglaganap ng sakit sa mga baboy gayunman, patuloy na gumagawa ng paraan ang ahensya upang malabanan ito.
Dahil dito, naglabas na ng P700 milyon ang DA upang maayudahan ang hog industry para makabangon sa epekto ng swine fever virus.
-Jun Fabon